BJMP bicol, inilahad ang kanilang paghahanda upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit na posibleng makuha ng mga PDLs dulot ng paparating na tag-init

LEGAZPI CITY – Inilahad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Bicol ang kanilang mga paghahanda upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit na posibleng makuha ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa loob dulot ng paparating na summer season o tag-init.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay BJMP Bicol Regional Director, Jail Chief Supt. Joel Superficial, sinabi niyang ang kanilang health service ay gumagawa na ng mga interbensyon upang tugunan ang mga sakit na posibleng masagap.

Aniya, ang ilan sa mga karaniwang mga nakukuha sa loob ng kulungan tuwing tag-init ay ang pigsa, galis, sore eyes, at iba pa.

Dahil dito, nagkakaroon umano sila ng mga health advisories sa mga jail facility upang maiwasan ang mga ito.

Ayon kay Superficial, katunayan nito ay nagkaroon na rin sila ng stocks ng mga gamot na kakailanganin ng mga PDLs.

Hindi lamang naman umano tuwing tag-init, sapagkat lagi naman sila naghahanda kahit tuwing tag-ulan.

Ang kanilang mga jail wardens ay nakikipakoordinasyon naman umano sa mga municipal/city health offices ng mga local health offices upang tumulong sa paghahanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *