BJMP Naga , naghahanda sa visitation system sakaling isailalim sa Alert level 1 ang lungsod ngayong Christmas season

NAGA CITY- Virtual parin ang visitation sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Naga District kahit na nasa Alert Level 2 na sa Community Quarantine Classifications ang lungsod.  Subalit naghahanda na ang BJMP sakaling gumaan pa sa Alert Level 1.

Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni JI Emmanuel Genio  , Male Dorm’s Assistant Warden. Aniya sa ngayon nanatili ang No contact policy, ipinapasunod pa ang E-dalaw. Kung ibaba sa Alert Level 1 ang quarantine classification , maglalagay ng booth ngunit two way parin, makikita personal ng person deprive of liberty  ang kaanak ngunit hindi mahahawakan bagkus mag-uusap sa pamamagitan ng telepono ngayong Christmas Season.

Sa ngayon 427 ang mga lalaking nakapiit. Istrikto ang BJMP sa  pag inspection sa mga pagkaing dinadala upang maharang ang anumang kontrabando.

Samantala, lahat na  ng PDL ay naturukan na  ng COVID vaccine , fully vaccinated naman ang lahat ng personahe ng BJMP at nanatiling COVID-free.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *