Binawian na ng buhay ang Filipino actor na si Kennedy Nakar sa edad na 24 anyos.
Si Nakar ay bumida noon sa Boy’s Love o BL series na “Lakan” kasama ang boyfriend na si Paul Cervantes.
Ang paglisan ng aktor ay kinumpirma mismo ng partner nito na si Paul sa kanyang Facebook page habang nasa lamay ni Kennedy nitong July 26.
“Sana happy ka dyan na pinapanood mo kami. Mahal na mahal ka namin, sobra! Hinding hindi ka namin makakalimutan,” caption nito sa kanyang post.
Ayon kay Paul, namatay si Kennedy dahil sa komplikasyon sa sakit nitong leukemia.
Matatandaang una nang inanunsyo ng aktor na na-diagnose siyang may acute myeloid leukemia.
“I’ve been diagnosed with an Acute Myeloid Leukemia, a very rare but an aggressive one.” bahagi ng post ni Kennedy noong June 23, 2023.