Blended learning modality ipatutupad na ng DepEd Naga kaugnay ng sobrang  init ng panahon

NAGA CITY- Ipatutupad na ng DepEd Naga City ang blended learning modality simula ngayong araw Mayo 8, 2023.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni SDS Dr. Susan Collano kaugnay ng napakainit ng panahon. Aniya nakaangkla ito sa kautusan ng  Central Office at DepEd Regional Office bilang tugon naman sa panawagan sa kagawaran ang apektado ng napakatas na temperatura.

Kinunsulta ng mga paaralan ang mga magulang,  estudyante at mga school staff ukol dito. Isinumite ang magiging mode o istilo nila,  na inaprubahan naman ng Division Office.  Halimbawa may tatlong araw na distance/ modular learning at may face-to-face ng dalawang araw, mayroon ding limang araw na in person class pero half day lang o hinati ang klase at iba pa.

Halimbawa sa Camarines Sur National High School hinati-hati by grade level ang araw na may face-to-face classes.

Ayon pa kay Collano, hindi na rin i-rerequire ang school uniform sa sakop ng DepEd- Naga.

Nais din ng SDS na maingatan ang mental health ng mga bata, paplantsahin aniya na hindi sila mabigatan o mapressure masyado sa mga gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *