Blessing at turn-over ceremony ng bagong public safety office (PSO) at emergency quick response team (EQRT) sa Legazpi City, isinagawa

LEGAZPI CITY – Isinagawa noong Setyembre 21, 2022 ang blessing and turn-over ceremony ng bagong Public Safety Office (PSO) at Emergency Quick Response Team (EQRT) sa Brgy. Bitano, lungsod ng Legazpi, Albay.

Ayon kay Rolly Esguerra, ang head ng PSO, palipat-lipat ang kanilang opisina, kung saan walang pansamantalang matutuluyan ang mga public safety officers.

Aniya, isa ito sa mga pangako ng dating alkalde at kasalukuyang gobernador ng Albay na si Noel Rosal na bigyan ng bagong tirahan o opisina ang PSO.

Maliban pa rito, katabi na rin ng mga ito ang Emergency Quick Response Team(EQRT) building na may mga response vehicle at ambulance. Sinabi opisyal, mas mapapadali ngayon ang pagbibigay ng responde sa mga emerhensya dahil katabi lamang nito ang Legazpi PNP at Legazpi City Hospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published.