Blood donation drive, gagawin na sa Olongapo tuwing Valentine’s Day

Taunan nang gagawing ng city government ang bloodletting activity sa Olongapo tuwing Valentine’s Day.

Ito ay para bigyan ng pagkakataon ang lahat na makapag-donate ng dugo bilang isa sa mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal.

Ayon kay City Health Officer Dr.Doods Bustamante, apat na beses sa isang taon ay may blood donation drive ang opisina pero ito ang unang pagkakataon na ginawa ito kasabay ng araw ng mga puso.

Para maging komportable ang magdo-donate ay piniling gawin sa Sm Central Mall ang bloodletting kahapon.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *