Blood stock ng PRC-Isabela, nasa critical level na

Nasa critical level ngayon ang Blood Stock ng lalawigan sa tanggapan Philippine Red Cross Isabela.

Ito ang kinumpirma ni Joyce Kristine Mye Quilang, Chapter Service Representative- Blood Service ng PRC-Isabela Chapter sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay Quilang, hindi umano sapat ang suplay ng dugo sa lalawigan dahil sa konting bilang ng mga nagdodonate.

Dagdag pa niya, ang hindi makapagsagawa ng Blood Letting Activity sa probinsya  dahil sa patuloy na restrictions  na umiiral sa ilalim ng General Community Quarantine.

Sa katunayan aniya, hindi bababa sa sampung kliyente ang kumukuha ng blood units sa tanggapan na kung saan nauubos agad ang sampung bag ng dugo na available kada araw. 

Kung sakaling wala na umanong stock ng dugo ang tanggapan ay nirerefer na umano nila ang mga kliyente sa Blood Center sa Tuguegarao City.

Dahil dito, ang nakikitang solusyon ay mas mainam na magdala na lamang donors para sa kanilang pasyente para sa mismong tanggapan na nila gagawin ang pagkuha ng dugo.

Dadaan naman sa screening ang mga nakuhang dugo sa mga donors at idadala ito sa Red Cross Nueva Vizcaya Chapter Blood Center na siyang susuri sa nakuhang dugo kung pasado ito.

Ito rin ay may karampatang service fee kung saan nasa 1,800 pesos ang Whole Blood, 1500 naman sa Packed Red Blood Cells, at 1,000 naman sa ibang components alinsunod narin nsa A0 2015-0045 ng Department of Health o ang Blood Services Fee.

Patuloy naman na nanawagan si Quilang sa mga nais magdonate ng dugo na magpunta lamang sa kanilang tanggapan o tumawag sa numerong 09175226229 para sa schedule.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *