Local News

BMC, sinagot ang puna ng ilan kung bakit karamihan sa mga dinadala sa ospital na kalimitan namamatay ay nagpopositibo sa COVID-19

NAGA CITY—Sinagot ng Bicol Medical Center (BMC)  ang puna ng publiko kung bakit kalimitan umano sa mga pasyenteng may dati ng karamdaman na dinadala o inaadmit sa kanila ay nagpopositibo sa COVID-19 kalaunan kabilang na dito ang mga pasyenteng binabawian ng buhay.

Ayon kay Dr. Joey Rañola, Point Person for Emerging and Re-Emerging Infectious Diseases ng BMC ang iba sa mga pasyenteng isinusugod sa kanilang ospital ay matagal nang may nararamdaman subalit takot na pumunta sa ospital dahil baka daw magka-COVID sila pero malala na pala ang kondisyon at ang katotohanan pa dito ang mga nararanasan umano ng mga pasyente na kalimitan mga Senior Citizen ay sintomas na pala ng Corona Virus Disease na hindi nila namamalayan hanggang sa bawian sila ng buhay dahil sa komplikasyon.

Kaya kung may dinadala aniya sa emergency room at biglang namatay ay isinasailalim aniya ito sa swab testing pero hindi sila ang nagdedesisyon kung ito ba ay positibo o hindi dahil ang sample ay ipinoproseso ng laboratoryo at sila ang magsasabi ng tunay na resulta.

Kailangan aniya dumaan sa RT-PCR test ang bangkay ng namatay dahil malaking peligro kung iuuwi ang mga labi nito sa bahay para paglamayan pero COVID-19 carrier pala.

Sinabi rin ng Dr. na wala sila ni isa mang claims sa Philhealth gaya ng puna ng ilan na habol umano ng ospital ang Philhealth claims ng mga pasyenteng miyembro nito kaya sila umano ay nagpopositibo sa COVID-19.

Ani pa Rañola, wala pang binabayad sa kanila ang Philhealth simula pa noong nakaraang taon kaya nga wala na daw pera ang BMC.

BNFM Naga

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago