BNFM Naga binigyan ng pagkilala ng Sanguniang Panglungsod kaugnay ng children’s Month Celebration

NAGA CITY- Kinilala ng Sanguniang Panlungsod ng Naga ang programa ng Brigada Mass Media Corporation at ng Brigada News FM Naga para sa mga bata.

Ngayong Children’s Month kasama ang BNFM sa naging Children’s Congress, kung saan namigay ng gamit pang eskwela at Maxan Capsule para sa mga nanay. Nakatuwang din BNFM ang Solid Waste Management Office sa pagbibigay mga recycled na pencil cases o gawa sa mga ukay-ukay.

Tinalakay sa aktibidad ang karapatan ng mga bata, kanilang mga responsibilidad bilang bata at maaari pa nilang maging papel sa komunidad.

Sa regular session kasabay ng State of the Children’s Report ni Mayor Son Legacion, tinaggap ni SM Rodel Sical ang plaque of commendation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *