Bobi, ang tinaguriang world’s oldest dog, nagdiwang ng kaniyang ika-31 kaarawan

Nagdiwang ng kaniyang kaarawan nitong nakaraang ilang araw lang ang tinaguriang pinakamatandang aso na naitala sa Guiness Book of World Records nitong nakaraang Martes.

Ang asong nagngangalang Bobi, ay isang Rafeiro do Alentejo o isang breed ng isang Portuguese na aso. Sa kasalukuyan, umabot na sa 31 taong gulang si Bobi kung saan talagang bibihira lamang na maabot ng mga aso.

Ipinagdiwang ito sa Village ng Conqueiros sa bansang Portugal kung saan siya nananahan mula nang siya ay mabuhay na dinaluhan ng mahigit isang daang tao ang isang ala-tradisyonal  na pagtipon-tipon.

Ayon sa amo ng aso na si Leonel Costa, likas na umano sa pamilya ni Bobi na talagang umabot ng ilang taon, gaya na lamang ng nanay nito na umabot sa labingwalong taong gulang.

Maraming netizens din ang nagpaabot ng kanilang pagbati at mensahe kay Bobi mula iba’t ibang bansa sa tulong ng iba’t ibang social media platforms. |WL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *