Nagpulong ang Bureau of Customs Port of Clark at si Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa.
Pinag-usapan dito ang pagpapaganda pa ng serbisyo sa mga pasahero ng Clark International Airport para sa Korean Community.
Layon nitong mas maging maayos ang passenger clearance kabilang na ang customs clearance.
Sa pamamagitan nito ay inaasahang makakatulong para makahikayat ng mas marami pang mga turista o travellers.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: BOC Port of Clark
