BOC, naharang ang tangkang pagpuslit ng P240M na halaga ng Thai sugar

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang tanggakang pagpuslit ng nasa P240 million na halaga ng refined sugar mula sa Thailand.

Ayon sa BOC, nahuli ng mga personnel ng Customs Police Division-Enforcement and Security Service (CPD-ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), at Philippine Coast Guard (PCG) ang vessel na nagdadala sa naturang mga asukal sa bisinidad ng Bauan at Mabini Batangas.

Ang mga nakumpiska umanong white refined sugar na may kabuoang timbang na 50 kilo kada bag, at nakapangalan sa Stone Int’l. Co. Ltd. mula sa shipper na The Thai Sugar Trading Corp.

Dagdag ng BOC, na ang operasyon ay kasunod ng ulat na ang Voi MV Sunward ay may kargang asukal na walang notice of arrival na inihain sa bureau.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *