BOC, nakakumpiska ng nasa P24.28 billion na halaga ng mga smuggled products ngayong buwan

Ibinahagi ng Bureau of Customs (BOC) na nakapagsagawa sila ng 709 seizures, dahilan ng pagkakakumpiska ng mga smuggled goods na may estimated value na P24.28 billion nito lang buwan ng Enero.

Ayon kay BOC spokesperson Arnaldo dela Torre Jr., na ang naturang mga smuggled goods ay mula sa mga ilegal na droga hanggang sa fuel oil, kasama na rin ang agricultural products at counterfeit goods.

Mula sa naturang halaga, P12 billion sa mga ilegal na droga ang nakumpiska, P7.69 billion sa counterfeit goods, at P1.87 naman sa agricultural products.

Dagdag ni Dela Torre, karamihan sa mga nakumpiskang agricultural products ay mula sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *