BOC, walang planong kasuhan ang mga airline crew kaugnay sa pagpuslit ng sibuyas

Hindi interesadong maghain ang Bureau of Customs (BOC) ng kaso laban sa mga flight crew members na nahulihan ng mga undeclared agriculture products bilang pasalubong.

Pero ayon kay BOC spokesperson and Customs Operation chief Arnaldo Dela Torre Jr. gagawa sila ng hakbang kaugnay sa “behavior” ng mga crew.

Una nang sinabi ng Bureau of Plant Industry (BPI) na maaring maharap ang sampung flight crew ng disciplinary sanctions kaugnay sa pagpuslit ng ilang kilo ng sibuyas, at ilang prutas noong January 10 mula sa Riyadh, Saudi Arabia at Dubai, United Arab Emirates nang walang kaukulang permiso.

Paglilinaw lang ng naturang opisyal na batay sa procedure sa ilalim ng Presidential Decree 1433 o ang Plant Quarantine Decree of 1978, kailangan kumpiskahin ng BOC ang naturang mga produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *