Body Builder sa Australia naitala ng Guinness na may pinaka-maraming bilang ng push-ups sa loob lamang ng isang oras

KINILALA  ng Guinness ang lakas  at determinasiyon na ipinakita ng isang body builder sa Australia na si Lucas Helmke ng Brisbane, Queensland dahil sa 3,206 na bilang na nabuo niya mula sa kanyang pagpupush-ups sa loob lamang ng isang oras.

Ayon sa ulat, si Lucas ay nakakatapos ng 53 pushups sa bawat minuto, dahilan upang maabot niya ang record na hawak niya ngayon.

Kuwento ni Lucas tatlong taon din siya nagtraining para sa naturang titulo at ginawa niya umano ito upang ipamalas sa kanyang anak na bawat pangarap ay pinaghihirapan at pinagsusumikapan.

Matatandaan na ang previous record holder nito ay si Danel Scali na may record na 3,182 na bilang ng mga pushups.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *