Boga, nangunguna pa ring sanhi ng fireworks-related injuries

Umakyat na sa 36 ang kabuoang bilang ng mga fireworks-related injuries mula December 21 hanggang kaninang umaga.

44% ito na mas mataas sa 25 cases na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong period.

Sa sentinel report 8 ng Department of Health (DOH) – lumabas na 14 sa mga nasugatan ng paputok ay dahil sa Boga; apat ay dahil sa whistle bomb; tig-atlo sa five-star at kwitis; habang dalawa naman ang nasugatan sa ‘camara’.

Samantala, sa Media Forum ay sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naka-‘code white’ na ngayon ang lahat ng mga ospital sa bansa.

Pinaalalahanan din ng health official ang publiko na huwag nang mag-eksperimento pa ang mga mapuputukan kagaya na lang ng pag-inom ng puting itlog at gawgaw.

Aniya, imbis na manghula ng mga gagawin, dapat aniya ay magtungo sa mga espesyalista para sa tamang treatment at pagtuturok ng anti-tetanus.

Matapos nito, nag-ikot si Vergeire sa iba’t ibang mga sentinel hospitals sa Metro Manila para mahikayat ang mga local government units (LGUs) na paigintingin ang kampanya labans a paputok; at para masiguro rin ang kahandaan ng mga ospital sa pag-admit ng mga masusugatan dahil sa paputok.

Kabilang sa mga binisita nina Vergeire ay ang Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMC), East Avenue Medical Center (EAMC), at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Sa pulong balitaan matapos ang inspection sa JRRMC, inisa-isa nina Vergeire ang mga hospital equipment at iba pang aparato na ginagamit para sa pagputol ng mga daliri, kamay, o paa, na mapuputukan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *