Bola na gawa sa buhok ng tao, kinilala ng Guinness!

Ohio – Pinarangalan at kinilala ng Guinness Book of World Record sin “Hoss” – ang pinakamalaking bola na gawa sa buhok ng tao na matatagpuan sa Ohio, U.S.A

Batay sa ulat, siyam na taong inipon ng hair stylist na si Steve Warden ang mga buhok mula sakanyang mga ginupitan na kliyente.

Ayon kay Warden, ang kanyang mga anak ang nakaisip ng ideya ng bumuo ng isang malaking bola na gawa sa buhok dahil pangarap aniya ng mga itong ma feature sila sa isang t.v show na ‘Ripleys Believe it or Not!”

Nang umabot na sa mahigit 100 kilo ang timbang ng bolang buhok, pinangalanan at tinawag na nila itong “Hoss.”

Nagkatotoo nga ang pangarap ng kanyang mga anak at noong 2018 ay na feature si host sa naturang TV program habang nitong December 2021 ay pormal itong kinilala ng Guinness bilang “World’s Largest Human Hairball”

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paglaki ni Hoss sapagkat mas dumarami pa ang naglalagay ng kanilang mga buhok sa naturang bola.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published.