Nanatiling buhay ang pag-asa ng Meralco Bolts na makapasok sa 2021 PBA Philippine Cup finals matapos nito maitakas ang 102-98 na panalo kontra Magnolia Hotshots.
Naging dikit ang Game 5 ng dalawang kuponan sa semifinals series nito na ginanap sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampangga.
Naitala ni Nards Pinto ang 24 points na bago nitong career-high, habang nairehistro naman ni Allein Maliksi ang pinakamataas na score nito sa isang laro bilang miyembro ng Meralco na umabot sa 29 points.
Sa ngayon ay nasa 3-2 na ang standing ng best-of-seven semifinals kung saan ay nanatiling lamang ang Magnolia.