Bong Go, inihayag ang kahalagahan ng AFP modernization efforts kasunod ng Sulu plane crash

Binigyang diin ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan sa efforts para ma-modernize ang Armed Forces of the Philippines kasunod ng C-130 plane crash sa Patikul, Sulu na ikinasawi ng 53 military personnel at ilang sibilyan, habang sugatan ang iba pa.

Ayon kay Go, suportado niya ang AFP modernization efforts upang ‘appropriately equipped’ ang tropa ng militar para protektahan ang kanilang kaligtasan, bilang sila ang frontline sa pagprotekta sa kapakanan ng mga Pilipino partikular na sa laban kontra sa terorismo at insurhensiya.

“Kami po ay nalulungkot ni Pangulong (Rodrigo) Duterte dahil ito ang mga sundalong pumupunta sa digmaan, sila pa po ang nabiktima ng crash. ‘Di naman natin masabi kung kelan tayo papanaw sa mundong ito pero nakakalungkot po. Nakikiramay kami sa pamilya ng mga yumaong sundalo, mga sibilyan po sa Jolo,” pahayag ni Go. 

Una nito, dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Go ang mga sugatang sundalo sa naturang insidente sa Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command Gymnasium sa Zamboanga City noong July 5, kung saan nagbigay ang Office of the President ng financial assistance at iba pang items sa pamilya ng mga sundalong namatay at sugatan, habang ang opisina naman ng senador ay namahagi ng karagdagang financial aid. 

“Dapat po full support ang ating mga sundalo, not only sa kanilang personal na sweldo but mga armas po. Pinapapunta natin sila sa digmaan, ang mga eroplano, mga helicopter po dapat unang-una,” said Go.

Samantala, hinimok rin ng vice chairman ng Committee on Defense sa Senado ang AFP na lagong protektahan ang seguridad ng kanilang mga personnel at ang kanilang aircrafts ay dapat nasa good working order.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *