National

Booster dose para sa 12-17 y.o. na ‘di immunocompromised, posibeng masimulan na rin

Umarangkada na sa mga piling ospital sa Metro Manila ang pagtuturok ng booster shot para sa mga immunocompromised na edad dose hanggang disi-siyete.

Ito ay makaraang lagdaan na ni Health Secretary Francisco Duque ang rekumendasyon ng HTAC para sa nabatid na age group.

Sa Department of Health Media Forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na eligible na ang nasabing age bracket na mga immunocompromised.

Isasagawa lamang ito sa mga ospital at hindi sa mga vaccination centers.

Sa ilalim ng guidelines, papayagan na ang bakunahan nito – apat na linggo o dalawampu’t-walong araw matapos ang kanilang second dose ng bakuna.

Tanging Pfizer BioNTech brand lamang ang maaaring gamitin dahil ito lamang ang napagkalooban ng emergency use authorization.

Samantala, sa #LagingHanda press briefing naman, sinabi ni NVOC chairperson Health Undersecretary Myrna Cabotaje na iba ang interval ng bakunahan ng 12-17 year olds na mga immunocompromised at mga hindi naman immunocompromised.

Paglilinaw ni Cabotaje, kung 28 days ang interval sa mga immunocompromised ng age bracket na ito – 5 months naman para sa iba pang edad 12-17.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

6 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

6 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

6 hours ago