Border control sa Albay, mas hinigpitan; mga galing sa labas ng Bicol obligadong magpresenta ng RT-PCR o Antigen test result

BICOL—Dahil sa panganib ng Delta variant ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ay mas hinigpitan ngayon ang border control sa lalawigan ng Albay.

Ito ay kasabay na rin ng inaasahang pagdagsaan ng mga magisispag-uwian dahil sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR simula sa Agosto 6 .

Sa inilabas na EO No. 25 ni Governor Al Francis Bichara, lahat ng mga papasok sa Albay bakunado man o hindi kabilang ang Authorized Persons Outside Residence (APOR) na galing sa labas ng Bicol region ay kailangang magpresenta ng negative RT-PCR/Saliva/Antigen Test result mula sa mga DOH accredited facilities. Tatlong araw lamang ang magiging validity nito.

Ang mga byaherong manggagaling naman sa mga lalawigan sa loob ng rehiyon APOR man o hindi, bakunado o hindi ay kailangang magpresenta ng travel pass at ito ay valid lamang sa loob ng 24 oras.

Sakali mang sumobra ng 24 oras ay kailangan na nilang magpresenta ng negative RT-PCR/Saliva/Antigen Test result sa border.

Tuloy pa rin naman ang operasyon ng mga sasakyang pandagat at mga eroplano pero kailangang ipatupad ang mga protocol mula sa IATF partikular ang pagpresenta ng negative RT-PCR/Saliva/Antigen test results .

Hihingan din ng parehong test results ang mga driver at crew ng mga cargo vehicles na magdedeliver ng essential goods (food or non-food) simula sa August 10, 2021.

Epektibo ang bagong EO na ito simula kaninang alas 12:00 ng tanghali, August 3 hanggang sa wala pang paninbagong kautusang inilalabas hinggil dito.### ||slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *