Border ng Gaza, binulabog ng mishandled na bomba; limang Palestinian, nasawi habang 20 ang sugatan

Binulabog ng malakas na pagsabog ng bomba ang eastern border ng Gaza na naging mitsa sa pagkasawi ng limang Palestinian habang 20 naman ang sugatan sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pag-atras ng Israel sa Gaza Strip noong 2005. 

Tinanggi naman ng militar ng Israel na wala silang kinalaman sa pagsabog at sinabing ang mga demonstrador ang nanguna sa pagtatapon ng mga bomba na agarang sumabog. 

Nakipagpalitan naman ang hukbong sandatahan ng Egypt nang paghahagis ng tear gas para matigil ang karahasan dito. 

Sa ngayon, wala pang malinaw na sagot mula sa mga demonstrador na umaako ng responsibilidad sa nasabing pagsabog. ###Johnoah Mae A. Zepeda, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *