Botolan Mt. Pinatubo Crater nalalapit na ang pagbubukas

Nalalapit na ang pagbubukas muli ng Botolan Mt. Pinatubo Crater para sa mga turista.

Nitong nakalipas na Lunes ay nag-inspeksyon na ang Tourism Office at Sanggunian Bayan Committee on Tourism sa lugar.

Ayon sa Municipal Tourism Office target na mabuksan ito sa unang linggo ng Enero o kaya ay sa ikalawang linggo.

Mayroon lamang ngayong ilan pang tinatapos dahil nais ng LGU na ligtas at organisado ang lahat bago umpisahang buksan ang ipinagmamalaking tourist destination na Mt. Pinatubo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: LGU Botolan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *