Boutique sa Puerto Princesa, sunod-sunod na inatake ng magnanakaw.

Sapul sa CCTV ang pagnanakaw ng pitong suspek sa loob ng tindahan (Millennials Avenue Fashion BoutiqueAnd Beauterrifix Health and Beauty Products Trading) sa Rizal Avenue Puerto Princesa.

Ayon sa may-ari na si Janina Zaira Marcelo, sunod-sunod na umatake ang magnanakaw kahapon ng hapon, May 18, 2021 sa kanyang tindahan kung saan natangay ang ilang beauty products.

Isa lang aniya kasi ang regular na nagbabantay sa kanilang tindahan.

Kumbinsido si Janina na magkakasabwat ang mga una at huling nanloob sa kanyang tindahan base sa mga kasuotan nito na tumangay ng mahigit sa anim na piraso na lip tint at 3 box ng rejuvenating sets.

Ang diskarte daw ng mga suspek ay kunwaring nakikipag-usap at hihingi ng discount sa may-ari habang ang ibang kasama ang kumukuha ng item na hindi namamalayan.

Bukod dito, sapul din sa CCTV ang pagpasok ng mag-asawa sa tindahan, dito ay nakuha ng lalaki (naka- helmet ) ang face and body cream na ipinasok sa kanyang salwal tsaka sila umalis.

Samantala, bitbit ang mga ebidensya ay tumungo sa pulisya ang may-ari ng tindahan at desidido siya na makasuhan at mahuli ang mga magnanakaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *