Box Jellyfish “negative” na sa Legazpi City Boulevard-ICRM Unit Legazpi

LEGAZPI-Kinumpirma ng Integrated Coastal Resource Management (IRCM) Unit ng Legazpi na negatibo na sa presensya ng Box Jelly Fish ang karagatang sakop ng Legazpi City Boulevard.

Sa ipanayam ng Brigada News FM Legazpi kay Benigno Redito Officer In charge ng ICRM Legazpi, kahapon, sa sinagawa nilang assestment sa 19 coastal areas ng Lungsod, nagnegatibo na sa box jelly fish.Naniniwala naman ito na malaki ang naging epekto ng pagpasok ng Eaterlies at mga namataan na sea turtle na pangunahing predator ng Box Jelly fish.

Aniya, sa kabila ng resulta ng assesment, aantayin nila na ang Legazpi City Disaster Risk Reduction Management Council ang mag-lift ng ibinaba nitong abiso sa pagbabawal sa paliligo sa nasabing lugar.

Kung maaalala, aabot sa 18 na box jelly fish ang kanilang nakolekta na kasalukuyan nasa pangangalaga ng BFAR Bicol para sa DNA testing.

Nanawagan rin ito sa publiko na huwag muna maligo sa nasabing lugar habang wala pang pormal na abiso ang CDRRMO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *