National

Boxer Carlo Paalam tinalo ang former Olympic champ, sure medal na

Nadagdagan pa ang siguradong medalya na mai-uuwi ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Ito ay matapos umabanse si Pinoy boxer Carlo Paalam sa men’s flyweight division nang talunin ang pambato ng Uzbekistan na si Shakhobidin Zoirov.

Napilitan ihinto ng referee ang laban sa 2nd round matapos kapwa magtamo ng cut sa noo at sa kilay ang dalawang boksingero dahil accidental headbutt.

Dahil dito pinagbasehan ang scorecard kung saan lamang si Paalam.

Dismayado naman si Zoirov na dati nang Olympic Gold medalist, sa kinalabasan ng laban at agad din itong lumabas ng ring na hindi na nakikipagkamay sa Pinoy fighter.

Nakatakda naman makaharap ni Paalam ang pambato ng Japan na Ryomie Tanaka sa semi-finals.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago