Boy Abunda, lumabas sa isang billboard ad na makikita sa tanyag na Times Square

Kabilang na ngayon si King of Talk Boy Abunda sa grupo ng pili na Filipino celebrities na naitampok sa giant billboard na matatagpuan sa tanyag na Times Square sa New York.

Makikita na pino-promote ni Abunda ang isang sustainable at ethical fashion brand sa kaniyang digital billboard sa US.

Sa video na inupload ng showbiz news portal na PUSH ay sinabi ni Abunda, “This is Times Square, New York City. May billboard na po ako. Ayun oh,”

Sumabay ang naturang endorsement ni Abunda sa selebrasyon ng Filipino-American History Month.

Mababatid na naitampok na rin ang aktres na si Yam Concepcion sa isang billboard sa Times Square kung saan ay inendorso niya ang parehong brand.

Dati na rin na-feature ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa nasabing lokasyon kasama ang SB19 sa ad campaign ng isang soda brand.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *