BPLO ng LGU Daraga, muling nagsagawa ng ocular inspection sa mga business establishments para mapataas ang revenue

LEGAZPI CITY – Muling nagsagawa ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Local Government Unit (LGU) Daraga ng occular inspeksyon sa mga business establishment sa nasabing bayan.

Isinagawa umano ang pag-iinspeksyon ng mga negosyo sa Brgy. Binitayan at San Roque kung hinahanapan ang bawat negosyo ng mga permit na mula sa LGU.

Layunin lamang nito na mapataas ang revenue sa bayan at malaman ng publiko na ang itiinatayong negosyo ay legal kung saan mayroong mga permit ang mga ito.

Ang mga walang permit ay otomatiko umanong mabibigyan ng notice of violation o notice of comply.

Nagbibigay din ang mga ito ng mayor’s clearance, tricycle permit at motorized tricycle operator’s permit (MTOP).

Sinabi ng opisina, ang hakbang na ito ay direktiba mula sa opisina ng alkalde na si Awin Baldo na palakasin ang income generation sa Daraga upang matiyak na ang mga business establishment ay sumusunod sa requirements ng LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *