BQ.1 subvariant ng COVID-19, nakapasok na sa Pilipinas

Kinumpirma ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakapasok na ng bansa ang Omicron subvariant BQ.1.

Ang naturang variant na ito ay sublineage ng BA.5 subvariant ng COVID-19.

Sa genome sequencing ng Philippine Genome Center mula october 28 hanggang November 18 – lumabas na mayroong 14 mga bagong kaso ng BQ.1 sa bansa.

Inilarawan ito ng DOH bilang mas transmissible at mas immune evasive kung ikukumpara sa iba pang mga subvariants ng Omicron.

Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na epektibo pa rin ang mga bakuna laban dito.

Mahalaga pa rin aniya ang pagsunod sa minimum public health standards para maiwasan ang anumang strain ng COVID-19. #

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *