Luzon

Brgy. Kapitan ng Poblacion, Rapu-Rapu, Albay, labis ang pasasalamat sa isinagawang outreach program ng NAVFORSOL

LEGAZPI CITY – Nagpahayag ng labis na pasasalamat ang barangay kapitan ng Poblacion, Rapu-rapu, Albay dahil sa isinagawang outreach program ng Naval Forces of Southern Luzon (NAVFORSOL).

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Rolando Alvarez, sinabi niyang malaking tulong ang aktibidad sa kanilang barangay dahil karamihan ng mga hanap-buhay sa lugar ay pangingisda at pagsasaka.

Masaya umano siyang nagkaroon ng mga aktibidad doon katulad ng medical mission sa buwang ito, dahil may mga buwan umanong mahirap ang transportasyon sa kanilang lugar at mahirap din para sa ilang residente na pumunta pa sa lunsod upang makapagpagamot.

Aniya, lahat ng mga gamot ay naibibigay sa mga tao dahil ang kanilang budget sa barangay ay isang beses lamang para sa isang taon at ang prayoridad umano nilang gamot ay para sa mga bata at maintenance para sa mga matatanda.

Matatandaan, noong Sabado, isinagawa ng NAVFORSOL ang nasabing aktibidad katuwang ang Philippine Army, Philippine Army Finance Center Producers Integrated Cooperative, BRTTH, LGU at iba pang stakeholders.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago