Brgy. kapitan sa Legazpi City, nanawagang itigil na ang pagtapon ng basura sa Macabalo River

Nanawagan ang barangay kapitan ng Dapdap, Legazpi City na itigil na ang pagtapon ng basura sa Macabalo River.

Sa pahayag ni Glenn Barcelon, barangay kapitan, sa Brigada News FM Legazpi, sinabi nito na noong nakaraang Lunes, nagsagawa ng clean-up drive sa Macabalo River ang PNP Legazpi kasama ang 91 trainees bilang bahagi ng kanilang community outreach program.

Tumagal ng dalawang oras ang aktibidad sa nasabing ilog kung saan nakakuha sila ng 33.5 kilo na residual wastes at 108.3 kilo na nabubulok na basura.

Ang lahat ng nakolektang basura ay pinaghiwalay bago tinimbang at inilagay sa Brgy. Materials Recovery Facility (MRF).

Sa tulong ni Kgwd. Alex Aguallo, Committee Chair on Environment, Fatima Solla, Eco Mngr. at iba pang miyembro ng Brgy. Ecological Solid Waste Management team ay naisakatuparan ang paglilinis ng ilog.

Pakiusap naman ni Barcelon na huwag nang magtapon ng basura sa mga ilog ng lunsod dahil halos lahat ng mga ito ay naiipon at dumadaloy patungong Macabalo River. | MARVIN CORDOVILLA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *