Brgy. Tanod patay ng malunod sa ilog sa Oas, Albay

LEGAZPI CITY – Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng biktima matapos malunod sa tabing ilog sa Brgy. Del Rosario bayan ng Oas Albay.

Kinilala ang biktima na si Edward Madrid Renigen, 33 anyos, isang barangay tanod at residente ng Brgy. Mabayawas bayan ng Libon ng nasabing lalawigan.

Ayon sa report, bandang 5:10 ng hapon ng Oktubre personal na pinuntahan ni Brgy. Kapitan Eugenio Madrid Renigen ng Barangay Mabayawas, Libon upang ireport ang insidente sa Libon MPS na ang kanyang kapatid ay nalunod.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Pnp habang malakas ang buhos ng ulan at patungo sana ito barangay hall para sa magduty o magtrabaho, hindi nito akalain sa lakas ng agos ng ulan ay madadala ito ng ragasa ng tubig sa ilog.

Makalipas ang ilang minuto, wala ng buhay ng marekober ang biktima sa lugar.

Hindi na rin interesado ang pamilya na isailalim ang katawan ng biktima sa postmortem / autopsy dahil sa paniwalang aksidente ang nangyari.

Kasalukuyan na ngayon na nakaburol ang biktima sa Brgy. Bonbon Libon, Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *