Wi-nelcome nina Bacolod City Rep. Greg Gasataya at Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson ang naging pagtitiyak ni Pangulong Bongbong Marcos na pag-ugnayin ang Negros, Panay, at Guimaras gamit ang P189.53-billion Panay-Guimaras-Negros (PGN) Island Bridges Project na magsisimula sa 2025 sa kanyang ikalawang State of the Nation Address kahapon.
Ayon kay Gasataya, makatutulong ang naturang tulay sa pagpapalakas ng local tourism at economic growth sa Western Visayas.
Ibinhagai rin nito na nakatutuwang malaman na ang plano at vision sa serbisyo ay nakaayon, lalo na pagdating sa usapin ng kalusugan, edukasyon, capacity-building, social services, at infrastructure development.
Samantala, binigyang-diin din ni Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson ang naging pahayag ni Pang. Marcos hinggil sa mga proyekto ng administrasyon.
Ani Lacson, ang pagtuon ng Presidente sa water security ay tugma sa kasalukuyang inisyatibo ng probinsya na Provincial Integrated Water Security Plan.
#