Briefing sa Kamara hinggil sa kontrobersya ng sugar importation, lumarga na

Nagumpisa na ang joint meeting ng Hosue Commitees on Good Government and Public Accountability at ang Agriculture and Food para talakayin ang kontrobersya hinggil sa pag-aangkat ng asukal sa Sugar Regulatory Administration at ng Department of Agriculture.

Dumalo sa pagdinig si Resigned DA Undersecretary Leocadio Sebastian na siyang lumagda sa ‘unauthorized resolution’ na Sugar Order No. 4 na layong mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal sa bansa.

Depensa ni Sebastian, nilagdaan nito ang order base lamang sa datos na ipinresenta ng SRA para maibsan ang patuloy na pagtaas ng presyto ng asukal na nakaaapekto sa mga konsyumer.

Kaagad din naman daw siyang angbitiw sa puwesto nang malaman niyang hindi pala ito aprubado ni Pangulong Bongbong Marcos.

Samantala, nanindigan naman si SRA Administrator Hermenegildo Serafica na ang mga rekumendasyon na binabalangkas ng kanilang Sugar Board ay dumaraan sa masusing konsultasyon.

Nakatakda ang susunod na pagdinig sa Huwebes kung saan, sinabi ng chairman ng good government and public accountability commitee na si San Jose Del Monte City Rep. Florida Robles na hindi na papayagang ‘virtual’ ang pag-attend ng mga resource person dahil kung hindi ay ipapa-‘cite in contempt’ ang mga ito.
#

Miller’s group, naniniwalang ‘misunderstanding’ lamang ang ‘unathorized resolution’ ukol sa sugar importation

Naniniwala ang Philippine Sugar Millers Association (PSMA) na ‘misunderstanding’ lamang ang ngayo’y kontrobersiya ukol sa Sugar Order 4 na layong mag-angkat ng 300,00 metric tons ng asukal na kalauna’y hindi pinaburan.

Ayon kay PSMA President Pablo Lobregat, ang SO 4 na ito ay napapanahon sana at tunay na kailangan ng bansa lalo na aniya at hindi pinayagan ng Negros Occidental court ang Sugar Order 3 noon na nakatakda sanang pag-aangkat ng bansa ng 200,000 metric tons ng asukal.

Aniya, nagkataon lamang na hindi maaayos ang ugnayan at komunikasyon ng Department of Agriculture (DA), Sugar Regulatory Administration (SRA) at ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kung bakit may lumabas na ‘unathorized resolution’.

Naniniwala rin si Lobregat na dapat ituloy ang pag-aangkat nga asukal dahil pareho naman daw makakabenipisyo rito ang mga sugar producers at mga consumers.

Aniya, kung sakaling natuloy ang SO4, posibleng bumaba ng bahagya ang presyo ng asukal sa merkado.
Samantala, hindi naman naniniwala si Lobregat na gagamitin ng mga opisyal ng gobyerno at ng mga nasa industriya ang naturang sugar importation para pagkakitaan ng pera.
#

Isa pang opisyal ng Sugar Regulatory Administration, nagbitiw din sa puwesto

Bago pa man ang joint-briefing ng dalawang Kumite sa Kamara ngayong umaga hinggil sa kontrobersya ng pag-aangkat ng asukal sa bansa – nabitiw din sa puwesto ang isa pang opisyal ng Sugar Regulatory Administration.

Ito ay kasunod ng pagre-resign din ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian dahil sa ‘unauthorized order’ para sa importation ng 300,000 metric tons ng asukal.

Sa liham na ipinadala kay Executive Secretary Vic Rodriguez, nagbitis sa puwesto si SRA board member Atty. Ronald Beltran.

Sa ilalim ng kanyang resignation letter, ipinaliwanag nitong nag-bitiw siya sa pwueto dahil sa ‘health reasons’.

Isa si Beltran sa mga signatories ng naturang order.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *