Brigada Balita Nationwide sa Umaga, nakatanggap ng ‘Best News Program’ citation sa CMMA

Ginawaran ng special citation ang programang ‘Brigada Balita Nationwide sa Umaga‘ para sa ika-44 na Catholic Mass Media Awards.

Tinanggap nina KaBrigada Glenn Parungao at KaBrigada Ley Baguio ang pagkilala sa ginawang awarding sa Manila Grand Hotel, sa Maynila.

Matatandaaang kabilang sa nga nominees ngayong taon ang naturang programa para sa ‘Best News Program’ category.

Ang Brigada Balita Nationwide sa Umaga na dalawang beses nang na-nominate sa nasabing kategorya ay ipinepresenta ng News Anchors na sina Golden Dove award nominee Glenn Parungao at Leo Navarro-Malicdem.

Itinatampok sa progama ang mga balanse at totoong mga balita kabilang na ang pinakamalalaking National News stories, at mga reports mula sa iba’t ibang himpilan ng Brigada NewsFM Philippines.

Inihahatid din ang ilang mga ‘informative segments’ kasama ang mga weather update, foreign exchange rates, at mga balitang sa ibayong dagat, balitang pampalakasan, at balitang showbiz.

Mula sa slogan ng Brigada NewsFM Philippines na ‘The Music and News Authority’, tinitiyak ng programa na naihahatid nito ang mga balitang balanse at napapanahon; at kalakip ang entertainment para sa mga masugid na tagapakinig.

Kasama na riyan ang segment na ‘Powercells Flashback Number One Song’ kung saaan ibinabahagi ang mga awiting napabilang sa Billboard Charts mula sa mga nagdaang dekada.

Umeere ito t’wing alas-siyete hanggang alas-siyete bente, mula Lunes hanggang Sabado, at mapakikinggan sa lahat ng mga himpilan ng Brigada NewsFM Nationwide, at mapanonood din sa buong mundo via livestream sa Facebook Pages at YouTube Channel ng Brigada Philippines.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *