Brigada Balita Nationwide sa Umaga, napabilang sa ‘Best News Program’ finalsits ng CMMA

Isang araw bago ang ika-17 anibersaryo ng Brigada Group of Companies – inanunsyo ng Catholic Mass Media Awards na napabilang ang ‘Brigada Balita Nationwide sa Umaga’ bilang finalist para sa ‘Best News Program’ ngayong taon.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na napabilang ang naturang programa sa finalists sa ‘Best News Program’ category.

Ang Brigada Balita Nationwide sa Umaga ay ipinepresenta ng News Anchors na sina Golden Dove award nominee Glenn Parungao at Leo Navarro-Malicdem.

Itinatampok sa progama ang mga balanse at totoong mga balita kabilang na ang pinakamalalaking National News stories, at mga reports mula sa iba’t ibang himpilan ng Brigada NewsFM Philippines.

Inihahatid din ang ilang mga ‘informative segments’ kasama ang mga weather update, foreign exchange rates, at mga balitang sa ibayong dagat, balitang pampalakasan, at balitang showbiz.

Mula sa slogan ng Brigada NewsFM Philippines na ‘The Music and News Authority’, tinitiyak ng programa na naihahatid nito ang mga balitang balanse at napapanahon; at kalakip ang entertainment para sa mga masugid na tagapakinig.

Kasama na riyan ang segment na ‘Powercells Flashback Number One Song’ kung saaan ibinabahagi ang mga awiting napabilang sa Billboard Charts mula sa mga nagdaang dekada.

Umeere ito t’wing alas-siyete hanggang alas-siyete bente, mula Lunes hanggang Sabado, at mapakikinggan sa lahat ng mga himpilan ng Brigada NewsFM Nationwide, at mapanonood din sa buong mundo via livestream sa Facebook Pages at YouTube Channel ng Brigada Philippines.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *