Kabilang ang 104.7 Brigada News FM Batangas sa ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ng Philippine Coast Guard-Southern Tagalog sa ginanap na ‘Awarding Ceremony for Stakeholders’ kahapon ng Martes, Setyembre 12.
Sa pananalita ni PCG-Southern Tagalog Commander Commodore Geronimo Tuvilla, ang naturang pagkilala ng ahensya ay para sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga stakeholders sa pagbibigay serbisyo sa publiko.
Kasabay nito, binigyang diin naman ni Tuvilla na ang Coast Guard Southern Tagalog ay hindi na kagaya ng dati na nag-iinspeksiyon lamang sa mga sasakyang pandagat kundi kaisa na rin sila sa mga aktibidad na kalupaan.
Umaasa naman si Commander Tuvilla na patuloy na makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sa kanila ang iba’t-ibang stakeholders.
Samantala, bukod sa Brigada Batangas, ginawaran din ng Coast Guard ng sertipiko ng pagkilala ang iba’t-ibang grupo at organisasyon sa buong Timog Katagalugan.