Brigada Eskwela Division kick- off  ngayong taon gagawin sa Mercedes National High School

CAMARINES NORTE – Isasagawa sa Mercedes National High School ang Brigada Division kick- off sa July 19,2024 sa ganap na alas 3 ng hapon na may temang “Bayanihan para sa MATATAG na Paaralan.

Batay sa Division Memorandum No. 148 s. 2024 ni Schools Division Superintendent Crestito Morcilla, layon ng aktibidad na hikayatin ang diwa ng volunteerism, palakasin ang public- private partnership at pagkakaisa ng komunidad na tugunan ang mga hamon ng edukasyon gayundin ang kamalayan at pakikiisa ng publiko.

Ang mga participants sa aktibidad ay ang mga Education Program Supervisors, Public Schools District Supervisors at ilang piling personnel ng Schools Division Office gayundin ang mga school heads at education partners.

Noong isang taon ay ginawa ang kick- off ng Brigada Eskwela sa Labo Elementary School.

Ginagawa ang Brigada Eskwela para maihanda ang mga eskwelahan sa pagbubukas ng klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *