‘Brink of collapse’ sa healthcare system ng bansa, ikinabahala

Nagbabala ang chair ng House Committee on Health na nasa “brink of collapse” na ang healthcare system ng bansa dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.

Inihayag ito ni Quezon 4th District Representative Angelina “Helen” Tan, chair ng House health panel, matapos aprubahan ng House Ways and Means Committee ang mga tax provisions ng kanyang panukalang Substitute Bill on Health Procurement and Stockpiling Act.

Ayon kay kay Tan, patuloy pa rin dumadagsa ang mga pasyente habang dumarami naman ang bilang ng mga healthcare workers na dinadapuan ng COVID-19.

Ipinunto rin ng mambabatas na nagkukulang na ang mga ospital ng kama para sa mga pasyente at bukod rito ay kulang na ang suplay ng mga bakuna at gamot tulad ng remdesivir habang patuloy naman na kumokonti ang suplay ng iba pa dahil sa tumataas na demand.

Nagpapalala pa anya sa mga hamon na kinahaharap ng bansa ang mga bagong ulat kaugnay sa hoarding umano ng COVID-19 vaccines at raw materials para sa produksyon nito, matapos i-invoke ng US ang National Defense Production Act.

Mababatid na lampas na sa 1-million ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos itong madagdagan ng 8,929 infections. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published.