Briton, nagpositibo sa COVID-19 sa loob ng 10 magkakasunod na buwan

Nagpositibo sa COVID-19 ang 72-anyos na Briton sa loob ng 10 magkakasunod na buwan, na posibleng maituring na pinakamatagal na kaso ng continous infection.

Sinabi ni Dave Smith, isang retiradong driving instructor mula sa Bristol sa western England, na nagpositibo siya sa coronavirus ng 43 beses, habang nospital naman siya ng pitong beses.

Sa katunayan ay sinabi ni Smith na nakagawa na siya ng plano para sa kaniyang lamay.

Sinabi niya na balak niyang tawagan ang kaniyang pamilya upang humingi ng tawad sa lahat at magpaalam.

Ipinunto naman ng asawa niya na si Linda na naka-home quarantine ngayon, na maraming beses na nilang inisip na hindi na magtatagal ang kaniyang asawa, at mala-impyerno na ang naging karanasan nila sa loob ng isang taon.

Ayon kay Ed Moran, consultant ng infectious diseases sa University of Bristol and North Bristol NHS Trust, na meron aktibong virus si Dave sa katawan nito.

Iginiit niya na napatunayan nila ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng sample ni Dave papunta sa mga university partners, kung saan ay naobserbahan nila ang paglaki ng virus.

Pruweba anya ito na hindi lamang left-over products ang nagti-trigger sa PCR test, kungdi pati na rin ang isang active at viable virus.

Samantala, naka-recover na si Dave matapos nitong dumaan sa gamutan gamit ang synthetic antibodies na dinivelop ng biotech firm Regeneron.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *