Brittney Spears, engaged na sa boyfriend na si Sam Asghari

Engaged na ang pop superstar na si Britney Spears sa kaniyang longtime boyfriend na si Sam Asghari.

Nag-post ang singer ng video ng kaniyang sarili na nakatayo katabi si Asghari habang ipinagmamalaki ang kaniyang kumikinang na singsing.

Sa caption nito ay sinabi niya, “I can’t f***ing believe it,” na sinundan ng ring emojis.

Dati nang ikinasal ang 39-anyos na si Spears, simula sa kaniyang childhood friend na si Jason Alexander sa Las Vegas noong 2004, ngunit na-anull ito matapos ang ilang araw lamang.

Sa parehong taon ay ikinasal siya sa dancer na si Kevin Federline, na nagbunga naman ng dalawang anak, bago sila nagdiborsyo noong 2007.

Mababatid na isang Iranian ang 27-anyos na si Asghari, at nagsisilbi itong trainer at actor na lumabas na noon sa Showtime series na “Black Monday”.

Nagsimulang mag-date ang dalawa noong 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *