Brownlee, nanumpa na bilang ganap na Filipino

Nanumpa na kahapon sa katapatan sa Republika ng Pilipinas si Justin Brownlee bilang ganap na Filipino citizen.

Nanumpa si Brownlee sa harap ni Senator Farncis Tolentino sa isang special ceremony sa Senado.

Sa kanyang pahayag, pinasalamatan ni Brownlee ang lahat ng sumuporta sa kaniya para maging ganap na Filipino citizen sa pangunguna nina Tolentino at Senador Sonny Angara na naghain ng panukala sa kanyang hangarin.

Inaasahang makakasama na si Brownlee sa koponan ng Gilas Pilipinas, ang national basketball team ng Pilpinas at makatutulong sa maging kuwalipikado sa International Basketball Federation World Cup at Southeast Asian Games later this year.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *