Brownlee, pinangunahan ang Gilas sa panalo sa Lebanon

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Gilas Pilipinas sa panalo sa Lebanon, 107-96, sa kanilang laban kahapon sa ika-anim at final window ng 2023 FIBA World Cup Asian Basketball Qualifiers.

Sa laban sa Philippine Arena sa Bulacan, nakakuha si Brownlee ng 17 points, limang assists at apat na rebounds.

Nagpaulan ng tres ang Gilas Pilipinas na nakapagtala ng kabuuang 17 triples. Naglaro ang Lebanon na wala ang kanilang pambato na si Wael Arajki

Sa naturang tagumpay, nakabawi ang Gilas sa kanilang pagkatalo sa Lebanon noong Agosto sa dikit na laban na 85-81.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *