Bruce Willis, na-diagnose na may frontotemporal dementia

Malungkot na inanunsyo ng pamilya ng American actor na si Bruce Willis na na-diagnosed siya na may
Frontotemporal dementia.

Noong nakaraang taon ay na-diagnose si Willis with aphasia, isang disorder kung saan apektado ang communication skills ng aktor dahil sa mga natamo nitong head injury sa paggawa ng mga buwis-buhay na action scenes sa mga pelikulang ginawa niya.

Ayon sa pamilya ng “Die-Hard” actor, isa mga hamon ng sakit ni Bruce ang hirap sa pakikipag-usap, hanggang sa magprogreso na ang aphasia ni Bruce sa dementia.

Kasunod ng anunsyo, bumuhos ang suporta sa pamilya ni Bruce online.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *