Bryan Co, OIC ng MIAA

Itinalagang officer-in-charge ng Manila International Airport Authority (MIAA) si senior assistant general manager Bryan Co.

Ito ay makaraang patawan ng preventive suspension ng Ombudsman si MIAA general manager Cesar Chiong.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), otomatikong naging OIC si Co sa MIAA dahil siya ang ‘next-in-line’, ‘o ikalawang sunod na mataas na opisyal ng tanggapan.

Kung maaalala, pinasususpinde si Chiong ng Office of the Ombudsman dahil sa ‘di umano’y reklamong abuse of authority.

Sa ulat, nag-reassign ‘di umano si Chiong ng ilang MIAA employees.

Una nang dumpipensa si Chiong sa kaniyang hakbang na reassignment dahil bahagi raw ito ng pagpapabuti niya sa operasyon ng mga paliparan. //LGD edited MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *