BSKE campaign period, umpisa na bukas; COMELEC may paalala

Nagbabala ang Commission on Election (COMELEC) sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) na huwag ng subukang lumabag sa ipinagbabawal na gawin sa oras ng pangangampanya.

Bukas ay umpisa na nga ng campaign period at ngayon araw ay puspusan na ang mga kawani ng Comelec sa pagbabaklas ng mga nauna ng ipinaskil ng mga kandidato bago ang kampanyahan.

Ayon kay Comelec Chair., George Garcia, posible pa ring ma-disqualify ang sinumang hindi susunod sa tamang paraan ng pangangampanya kagaya ng standard na 2×3 size lamang ng poster ang pinapayagan sa bawat kandidato at hindi maaring ipaskil sa mga pagpublikong lugar.

Dagdag pa ni Garcia, nakabantay ang task force anti-epal na kanilang inatasan para matyagan din ang mga magpapasaway sa campaign period na kanilang hahainan pa rin ng disqualification kapag napatunayang lumabag sa election code.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *