Binigyan ng Commission on Elections (COMELEC) ng otoridad ang task force against premature campaigning na mag-motu proprio file ng complaint, sa harap ng nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre.

Ayon kasi kay Chairman George Garcia, maraming mga kabataan ang lumalabag sa premature campaigning, o yung pangangampanya nang mas maaga kaysa sa idineklarang campaign period.
Ipinaliwanag din nito na basta naglagay ng poster ang isang kandidato, kahit walang nakasulat na “vote,” isa pa rin itong premature campaigning effort.
Giit ni Garcia para sa mga tatakbo sa halalan – manalo man ang mga ito sa eleksyon, maaari pa rin nilang tanggalin ang elected officail kung ito ay may kasong diskwalipikasyon.
Magsisimula ang campaign period para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa October 19, at matatapos ito sa October 28.