BSKE sa Negros Oriental, tuloy

Sa kabila ng mga panawagan na ipagpaliban ang Barangay and Sanggunian Kabataan Election sa Negros Oriental dahil sa mga nakaraang karahasan, sinabi ng Commission on Election na magpapatuloy ang halalan sa probinsiya.

Ayon kay COMELEC chairperson George Garcia, karamihan sa mga stakeholders na kanilang kinonsulta ay pabor na ituloy ang eleksyon sa lalawigan.

Pero isasailalim ang buong probinsiya sa COMELEC control.

Unanimous aniya ang desisyon ng poll body na ilagay sa COMELEC control ang lalawigan para matiyak ang mapayapa at ligtas na pagdaraos ng halalan.

Ito’y kasunod ng mga alegasyon na magiging magulo rito dahil sa nangyaring pamamaslang kay Governor Roel Degamo noong Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *