BSP Deputy Governor Puyat pinangunahan ang launching ng kauna-unahang Paleng-QR PH Plus sa South Luzon

NAGA CITY- Pinangunahan ni Former Department of Tourism (DOT)  Secretary at ngayon Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Hon. Bernadette Romulo-Puyat ang launching ng Paleng-QR Ph Plus sa Naga City.

Ayon kay Puyat ito ang kauna-unahan sa South Luzon, kaya pinasalamatan ang Sanguniang Panlungsod ng Naga at ang City Government para sa mabilis na pagpasa ng ordinansa.

Umikot din si Puyat sa Naga City People’s Mall para sa subukan ang sistema , sinubukan din sa tricycle.

Isinusulong ng programa ang pagbabayad gamit ang QR Ph code sa mga merkado o pamilihan at pampublikong sasakyan. Layunin din ng programa na maihatid sa publiko ang ligtas, mabilis, at maaasahang pagbabayad na siyang nakatutulong sa pag-angat ng maliliit na negosyo.

Ayon sa BSP kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) palalakasin ang cashless payments o ang pagbabayad gamit ang mga smartphone at iba pang digital device sa buong bansa.

Dinaluhan ang okasyon sa Plaza Rizal ng mga opisyal ng Naga at partner banks maging mga E-Wallet providers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *