BSP, dumepensa sa bagong desenyo ng P1,000 bill

Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpapatuloy pa ang sirkulasyon ng P1,000 bill kung saan makikita ang mga bayani, kasunod ng pagpapalabas ng desenyo ng P1,000 polymer banknote..

Pagtitiyak ng BSP Governor Benjamin Diokno, walang mangyayaring demonetization sa anumang denomination sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, at patuloy na magpi-print ang BSP ng kasalukuyang 1,000-piso paper banknotes

Kaugnay nito, denepensahan ni Diokno ang desenyo ng bagong P1,000 bill kung saan makikita ang Philippine eagle, kumpara sa naunang desenyo na mga bayani ng Pilipinas na sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda at Jose Abad Santos.

Giit ni Diokno, mananatiling bayani ang mga bayani, maging sila man ay nasa notes o hindi.

Noong nakaraang linggo nang ipasilip ng BSP sa publiko ang bagong desenyo ng P1,000 bill at aprubado ng National Historical Institute, na nakatakdang ilabas sa publiko simula sa April 2022. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *